Dianne Ramos | SYM
artist
Pasig City

Bio

artist
Pasig City

Ang Aking Talambuhay Pinanganak ako noong Pebrero 3, 1990. Ang aking mga magulang ay sina Diego at Divina Ramos. May mga kapatid ako na nakakatanda sa akin. Itoý sina Robert at Gerry Ramos. Nakatira ako sa #64 Kalye Ilang-Ilang sa de Castro Subd. sa siyudad ng Pasig. Di ko na masyadong maalala ang aking mga ginawa nung akoý bata pa lamang. Ang naaalala ko na lang ay nung magsimula akong mag-aral sa kindergarten. Natatandaan ko pa yung mga nakakahiya kong gawi noon. Sobrang iyakin ako noon. Sa pagkakatanda ko pa, akoý nagkaroon ng pobya sa aking gurong tagapayo noon dahil nakakatakot ang pagsigaw niya. Di ako sanay ng may sumisigaw sa paligid ko. Kahit di ako ang sinisigawan ng guro ko, umiiyak pa rin ako. Ako pa naman ang paborito noon ng guro kong iyon. Ewan ko ba kung bakit ganun ako. Kaya tuloy pinatawag ng punong-guro ang aking ina at kinausap ito tungkol sa aking sitwasyon. Pinapatigil na ako ng punong-guro sa pag-aaral dahil lang doon ngunit sinabi ng nanay ko sa kanya na doon sa eskwelahan nila ako nagkapobya kaya dapat alisin nila iyon. Kaya ang ginawa na lamang ng punong-guro ay inilipat ako ng ibang pangkat. Pagkalipat ko ng ibang pangkat, unti-unti akong pinag-adjast ng aking ina. Sa awa ng Diyos, umayos na pakiramdam ko sa bago kong guro. Sa pangkat naming iyon nakakilala ako ng isang batang babae na gustong makipagkaibigan sa akin. di ko siya pinansin kaya ang ginawa niya ay hinila niya ang uniforme ko at nasira ang isa sa mga butones nito. Umiyak ako at pinatawag ng guro ang magulang nung bata. Kinabukasan, pumunta rin ang nanay ko sa eskwelahan para makausap ang magulang nung bata. Nagkaayos naman sila at di kalaunan naging matalik silang magkaibigan. Naging matalik ko ring kaibigan si Jessica (yung bata). Siya lagi yung nagtatanggol sa akin. Naging kaklase ko siya hanggang kamiý magtapos sa elementarya. Nakakalungkot lang dahil magkaiba na kami ng paaralang papasukan sa mataas na paaralan. Malimit na kaming magkita at mag-usap simula noon. Nang akoý nasa mataas na paaralan na, sa CCC ako nag-aral. Di ko akalain na sa pampribadong paaralan ako pag-aaralin ng aking magulang. sa una at ikalawa kong taon sa CCC, di ako masyadong naging palakaibigan dahil sa napakatahimik ko noon. Ayos lang sakin kahit wala akong kausap. Pero nung nasa ikatlong taon na ako, doon ako naging aktibo sa klase, may konting impruvment lang. Ngunit nang akoý nasa ikaapat na taon na, doon ako nakahanap ng mga kaibigang magpapahalaga sa akin at di ako tatapaktapakan. Doon tumaas ang mga grado ko sa eksaminasyon, proyekto, at iba pa. Hinahangaan ako ng mga kaklase ko sa aking kahusayan. Sila ay nagpapaturo sa akin kung mayroon silang di naintindihan sa isang leksyon namin. Nung kamiý nag-retreat sa tagaytay, lalo kaming naging malapit sa isa’t-isa ng aking mga ka-eskwela. Madami kaming ginawang aktivitis na nakapagpatibay ng aming samahan. Tatlong araw at dalawang gabi kami doon. At ng kamiý makauwi na sa kanya-kanyang bahay, madami kaming kinuwento sa aming mga magulang. pagkatapos ng retreat namin, ang aming lakbay-aral naman ang pinagtuunan naming ng pansin. Nagpunta kami sa iba’t-ibang lugar sa Maynila. Una naming pinuntahan ang Manila Cathedral. Nakapasok kami sa loob. Nakita naming ang libingan ng mga namatay na mga Arsobispo. Nandoon pa nga yung puntod ni Jaime Cardinal Sin. Pagkatapos naming libutin iyon, nagtungo naman kami sa Fort Santiago. Malaki yung lugar. Pangalawang beses ko nang nakapunta doon. Doon naming kinain ang mga baon naming pagkain. Pagkatapos naming kumain, nagtungo agad kami sa pinakahihintay naming puntahan, ang Enchanted Kingdom. Doon nagsaya kami. Halos lahat ng rides gusto naming sakyan. Pangalawang beses ko na ring pagpunta iyon. Gabi na kami ng matapos magsisakay sa mga rides. Hinatid na kami pauwi ng bus pabalik sa eskwelahan. Habang nakaupo kami sa bus, gusto na naming matulog sa sobrang pagod. Pagkauwi ko ng bahay, natulog agad ako. Bawat taon, nagkakaroon kami ng intrams sa eskwelahan namin. Nakasali ako sa larong takbuhan at tses. Pero sa kasawiang palad, akoý lagging talo. Di kasi ako isporti. May mga oryenteysyons kaming dinaluhan upang paghandaan ang aming pagkokolehiyo. Unang gusto ko sa Meralco Foundation mag-aral, pangalawang gusto ko ay sa PUP. Di ko na pinagpatuloy ang pagkuha ko ng entrans eksam sa Meralco Foundation kasi dalawang taon ko lang makukuha ang I.T. doon. Kaya sa PUP na lang ako kumuha ng eksaminasyon. Pasado ang nakuha kong marka sa ginanap na pagsusulit ngunit dahil sa marami ang kumuha ng eksam, inilagay na lang ako sa waiting list. Ayaw na ng kuya ko na doon ako mag-aral. Kaya pinag-aral na lang nya ako dito sa kasalukuyan kong iskul, ang STI. Di ko na pinagsisihan ang pagpasok ko dito dahil nakahanap ako ng mga mabuting kaibigan. Napakalaking pagbabago ang nangyari sa akin. Naging sobrang palakaibigan na ako. Noong nakaraang semester, sumali ako sa isportsfest ng iskul na ginanap sa San Juan GYM at San Roque GYM. Sa badminton at table tennis ako sumali. At sa wakas nakakuha ako ng posisyon sa mga sinalihan ko. Nakuha ko ang pangalawang posisyon sa badminton samantalang nakuha ko at ng aking kakampi ang pangatlong pwesto sa table tennis. Tuwang-tuwa ako sa nakuha kong parangal. Nagkarooon rin ng trip ang STI sa Star City. Pumunta din kami doon at nakisaya. Gabi na kami nakauwi. Sa kasalukuyan, akoý kasali sa STI Pulse (Lathalain ng iskul) at sa Math Club. Inaasahan kong marami pa akong magagawa sa buhay ko para sa aking kinabukasan.

Photos

Recent Tracks

Song Length
Toll Gate N/A
Wake Me Up When September Ends N/A
Alive [4:33] 4:33
Bring Me To Life N/A
Maling Akala N/A

Playlists

No playlists yet!

Videos

No videos yet!

Upcoming Gigs

No scheduled gigs yet!

0 comments

No comments yet!